Martes, Oktubre 3, 2017

Nutrition Month

Sa buwan ng July 2017, isinagawa ng Carmen Senior High ang NUTRITION MONTH. Ang tema ay 'Healthy diet gawing habit for life'. May mga patimpalak rin ang ginanap.

Nariyan ang Poster making at iba pa. Nagsagawa rin ng Jingle ang mga iba't ibang strand. Sa kasawiang palad, di kami ang nanalo.

Masaya ang mga mag aaral sa ginawang Nutrition month. Mayroon kasing feeding na naganap. At meron din nagtitinda ng mga gulay at prutas.



Buwan ng wika

Naganap ang Buwan ng wika noong Agosto 2017. Bakit nga ba tayo nagdiriwang ng buwan ng wika? Simple lang, sapagkat sa pamamagitan niyan, muli nating nagugunita ang ating pagka malaya.

Ang Carmen Senior High ay nakikipag kaisa sa tinatawag na Buwan ng wika. Sa pagbukas ng palatuntunan sa pangunguna ni G.Mecompal ay nagsimula muna sa isang panalangin. Pagkatapos,  binuksan ito ng isang talumpati.

Maraming mga patimpalak ang isinagawa. May pagtutula,pagkukuwento,monologo,maikling kwento at marami pang iba. At ating tatandaan na dapat nating pakamahalin ang ating sariling wika.



Huwebes, Setyembre 21, 2017

Brigada Eskwela

Bagon paman dumating ang balik eskwela ay isinasagawa una ang Brigada eskwela sa mga public na paaralan. Tungkulin ng mga estudyante o magulang na gawin ito upang sa ikapagpapanatili sa kalinisan ng paaralan. Kaya ang mga gustong mag aral sa Carmen Senior high ay obligado na mag brigada.

May iba rin na nagbibigay lang ng donasyon para sa mga kakailanganin sa paaralan. May iba rin na imbis ang mga kabataan ang mag bibrigada,ay mga magulang ang gumagawa. Alam nating lahat na kapag unang brigada ay maraming lilinisin.

Ang iba ay nagwawalis sa labas ang iba naman ay nasa silid ng paaralan naglilinis. Sa panahon rin ng brigada ay may mga guro rin na nagtuturo sa mga kabataan o magulang kung saan o ano dapat ang gawin. Kaya dapat bago paman magsimula ang klase dapat malinis na ang paaralan.